Laging sinasabi na sa isang relationship, dapat matutunan ng bawat-isa na tanggapin ang lahat ng bagay na hindi na maaaring mabago ng kanilang partner or tanggapin mo siya kung sino siya. Tama iyon. Acceptance is a very important part of a healthy relationship pero para sa ikalalago lalo ng relationship ninyo, dapat naroon din ang willingness ng bawat isa na magbago para sa taong kanilang minamahal. Magbago para sa ikabubuti siyempre.
Maraming nagsasabi na "tinanggap ko siya sa kung ano siya" pero ang totoo, ang pagtanggap at pagbabago ay isang prosesong walang katapusan dahil ang pagbabago ng isang tao ay patuloy din. Maaaring ang takbo ng isipan ng partner mo ngayon ay mag iba pagkalipas ng isa o dalawang taon. Magbabago ang kanilang mga priorities at maaaring magresulta sa pagpili ng iba ang kanilang pagmamature.
Sa isang relationship, dapat kapakanan ng bawat isa ang iniisip ng parehong indibidwal. Paminsan kumakarga ang isa ng higit na mabigat na klase ng responsibilidad kesa sa kanyang partner, it ay dahil sa kaya niyang mag sakripisyo at magparaya alang alang sa taong kaniyang minamahal.
Kailangan nating magtiwala sa taong makakasama natin sa buhay, pakinggan ang kaniyang opinyon at timbanging mabuti ang mga posibilidad. Ang mga desisyon ay dapat na pnag-uusapan ng mahusay. Hindi rin naman dapat iisa lang ang nagsusumikap na makipag usap. Dapat pareho kayong may effort na iresolba ang inyong conflicts. Kapag iisa lamang ang gumagawa at nagsisikap, hindi magtatagal at susuko din ang isang iyon at bibitiw.
Mas malakas ang magiging pundasyon ng relationship ninyo kapag pareho kayong kakapit ng mahigpit at magtutulungan sa mga bagay na nais ninyong abutin. Kapag wala ang ganitong klase ng suporta at pag-intindi, gayun din ang pantay na effort na manatiling iisa, mahirap manatiling buo ang inyong relasyon.
Mahirap mag move on at mahirap malaman kung kailan, kaya ipinapayo ko na bigyan mo ito ng kaunting panahon. Bigyan mo ng pagkakataon na makita mo rin sa iyong sarili kung tama nga ang desisyon mong mag move on nalang kesa sa makipag balikan.
Ang totoo, nakapapagod din kung ikaw nalang ng ikaw ang magpapakumbaba at babalik. Kung wala sa isa ang ganitong klase ng pakiramdam, mabuti pang pakawalan mo na lamang siya dahil kung hindi ka naman niya pipigilan, malamang sa hindi na hindi nya deserve ang pag-ibig na kaya mong ibigay sa kaniya.